Sa panahon ng kanyang pagdalaw sa Timog Korea, isinagawa ngayong araw, Linggo, ika-30 ng Hunyo 2019, sa Panmunjom, ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pagtatagpo kasama ni Kataas-taasang Lider Kim Jong Un ng Hilagang Korea.
Pagkatapos, tumawid si Trump sa Military Demarcation Line at pumasok sa panig ng Hilagang Korea. Si Trump ay naging unang umiiral na pangulong Amerikanong tumapak sa teritoryo ng Hilagang Korea sapul nang matapos ang Korean War mula 1950 hanggang 1953.
Pagkaraan nito, bumalik pa sina Trump at Kim sa panig ng Timog Korea. Isinagawa rin nila ang pagtatagpo kasama ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.
Ang kasalukuyang pagtatagpo nina Trump at Kim ay kanilang ikatlong pagtatagpo, pagkaraan ng nagdaang dalawang pagtatagpo sa Singapore at Hanoi.
Salin: Liu Kai