Sa China Internet Infrastructure Resource Conference (CIIRC) na idinaos sa Beijing noong ika-30 ng Hunyo, 2019, isinalaysay ni Yang Xiaowei, Pangalawang Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon at Internet ng Tsina, na ang taong ito ay ika-25 anibersaryo ng lubos na pagpasok ng Tsina sa mundo ng teknolohiya ng internet. Nitong 25 taong nakalipas, ang Tsina ay nagiging masiglang malaking bansa ng internet, at ang bilang ng mga gumagamit ng internet ay nasa unang puwesto sa daigdig, ani Yang.
Sinabi pa niya, na ang pagpipigil sa hamon at pagsonggab sa pagkakataon ay nangangailangan ng pagpapahigpit ng kooperasyon at pagtitipun-tipon ng lakas ng industriya ng imprastruktura ng internet ng Tsina. Aniya, dapat itatag ng industriya ang pundasyon ng pag-unlad ng internet ng bansa at pabilisin ang pagtatamo ng breakthrough sa nukleong teknolohiya ng imprastruktura ng internet.
Salin:Lele