|
||||||||
|
||
Ayon sa datos na inilabas Martes, Hulyo 9, 2019 ng Pambansang Kawanihan ng Karapatan ng Pagmamay-ari ng Likhang-isip (IPR) ng Tsina, noong unang hati ng kasalukuyang taon, matatag na lumaki ang bilang ng mga IPR applications ng bansang dayuhan sa Tsina. Kabilang dito'y pumangalawa ang Amerika sa bilang ng nasabing aplikasyon sa Tsina.
Ayon kay Hu Wenhui, tagapagsalita ng naturang kawanihan, na noong unang hati ng kasalukuyang taon, umangkop sa inaasahan ang mga pangunahing IPR index ng Tsina, at matatag na tumaas ang komprehensibong kakayahan ng IPR.
Bukod dito, matatag ding lumaki ang bilang ng mga IPR applications ng bansang dayuhan sa Tsina. Ipinahayag ni Hu na ito ay nagpapakita ng napakalaking motibo ng mga dayuhang kompanyang namumuhunan sa Tsina at nagtatamasa ng pagkakataong dala ng pag-unlad ng bansang ito. Ipinakikita pa nito ang buong tatag na kompiyansa ng global innovation entities sa Tsina sa pangangalaga sa IPR at kapaligirang pangnegosyo nito, aniya pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |