Idinaos kahapon, Miyerkules, ika-24 ng Hulyo 2019, sa Jakarta, Indonesya, ang Mataas na Porum ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) hinggil sa Media. Kalahok dito ang mga opisyal ng Sekretaryat ng ASEAN, mga opisyal ng mga departamento ng imporasyon at komunikasyon ng pamahalaan ng Tsina at mga bansang ASEAN, at mga kinatawan mula sa media ng dalawang panig.
Pagkaraan ng porum, isinalaysay ni Huang Xilian, Embahador ng Tsina sa ASEAN, sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan, ang limang mahalagang komong palagay na narating sa porum na ito. Ayon kay Huang, una, sinang-ayunan ng mga kalahok, na pumasok na sa bagong yugto ng komprehensibong pag-unlad ang relasyong Sino-ASEAN; ika-2, ipinahayag nila ang lubos na pagkilala sa palagay ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa pagpapatingkad ng papel ng media ng Tsina at mga bansang ASEAN para sa pagpapasulong ng relasyon ng dalawang panig; ikatlo, iminungkahi ng mga kalahok, na palakasin ng Tsina at mga bansang ASEAN ang kooperasyon sa larangan ng cyber media, social media, at self-media; ikaapat, itinaguyod nila ang diwa ng kooperasyon ng Silangang Asya; at ikalima, pinahahalagahan nila ang pagpapalalim ng pagpapalitang pangkultura ng Tsina at mga bansang ASEAN.
Salin: Liu Kai