Sinabi ngayong araw, Lunes, ika-29 ng Hulyo 2019, sa Beijing, ni Yang Guang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga Suliranin ng Hong Kong at Macao, na ang kasalukuyang mga ilegal na protesta at karahasan sa Hong Kong ay nakasira sa kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito, banta sa kaligtasan ng mga lokal na residente, at hamon sa prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Dagdag niya, ang karahasan ay hindi kinukunsinti ng anumang sibilisadong lipunang tumatalima sa "rule of law." Umaasa aniya siyang buong linaw na tututulan at lalabanan ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong ang karahasan.
Salin: Liu Kai