Kinondena ngayong araw, Lunes, ika-5 ng Agosto 2019, ni Carrie Lam, Punong Ehekutibo ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR) ng Tsina, ang naganap na mga karahasan sa lokalidad. Ang mga ito aniya ay magwawasak ng kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, at lilikha ng lubos na mapanganib na kalagayan.
Sinabi ni Lam, na nitong halos 2 buwang nakalipas sa Hong Kong, ang mga demonstrasyong nagpahayag ng pangangailangang pulitikal ay naging marahas na aktibidad. Aniya, sinira ng mga radikal ang mga tanggapan ng mga awtoridad at pasilidad na pampubliko, nahadlangan ang trapiko, inatake ang mga pulis at mga karaniwang mamamayang may nagkakaibang palagay, at dinumihan din nila ang pambansang sagisag, kinuha ang pambansang watawat mula sa tagdan at itinapon sa dagat. Ani Lam, ang mga ito ay hindi lamang napakagrabeng krimen, kundi rin hamon sa soberanya ng bansa at prinsipyong "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Dagdag ni Lam, ang pangangailangang pulitikal at kawalang-kasiyahan sa pamahalaan ay hindi dapat ipahayag sa pamamagitan ng karahasan. Aniya, ang mga aksyong ito ay nakakapinsala sa kabuhayan at pamumuhay ng mga mamamayan ng Hong Kong, at hindi magkikibit-balikat lang sa mga ito ang pamahalaan.
Salin: Liu Kai