|
||||||||
|
||
Idineklara nitong Lunes, Agosto 5, 2019, ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika ang Tsina bilang "currency manipulator country." Pagkatapos nito, magkakasunod na ipinahayag ni Lawrence Summers, dating Kalihim ng Tesorarya ng Amerika, at ilang ekonomistang Amerikano ang pagtutol sa nasabing kapasiyahan ng kanilang pamahalaan. Ipinahayag nila na walang anumang ebidensya na minamanipula ng Tsina ang exchange rate ng RMB.
Ipinalabas nitong Martes ni Summers ang artikulo sa "Washington Post" kung saan pinabulaanan niya ang kagawian ng Kagawaran ng Tesorarya ng Amerika. Anito, ang ginawa ng pamahalaang Amerikano ay makakapinsala sa reputasyon ni Steven Mnuchin, Kalihim ng Tesorarya ng Amerika at ng kanyang Kagawaran. Mahirap nitong makukuha ang pagkakilala mula sa komunidad ng daigdig, ani Summers.
Diin pa ng artikulo, nagbabagu-bago ang isinasagawang patakarang pangkabuhayan at pangkalakalan ng pamahalaang Amerikano sa Tsina na nagbunsod ng malaking pagkabahala sa mga kompanya at mamimiling Amerikano. Ang mga ito ay nagdudulot ng grabeng panganib sa kabuhayang Amerikano, anang artikulo.
Bukod dito, ipinahayag ng maraming bantog na ekonomistang Amerikano ang kanilang pagtutol sa nasabing kagawian ng pamahalaang Amerikano. Sa isang panayam, tinukoy ni C. Fred Bergsten, beteranong mananaliksik at punong pandangal ng Peterson Institute for International Economics, na walang anumang ebidensya na minamanipula ng Tsina ang exchange rate ng RMB. Aniya, malinaw na ang pagbaba kamakailan ng exchange rate ng RMB kontra Dolyar ay resulta ng ginagampanang papel ng pamilihan. Ito ay hindi dapat maging dahilan para bansagan ng Kagawaran ng Tesorarya ang Tsina bilang "currency manipulator country," aniya pa.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |