Inilabas ngayong araw, Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2019, ng Pambansang Kawanihan ng Estadistika ng Tsina, ang ilang pangunahing indikator na pangkabuhayan.
Kabilang dito, ang value-added industrial output noong nagdaang Hulyo ay lumaki ng 4.8% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ang halaga ng tingian ng mga bilihing pangkonsumo naman ay lumaki ng 7.6%. Samantala, mula Enero hanggang Hulyo ng taong ito, halos 8.7 milyong bagong trabaho ang nilikha sa mga lunsod at bayan ng bansa, at ang bilang na ito ay umabot sa 80% ng nakatakdang target sa buong taon.
Ayon pa rin sa naturang kawanihan, ipinakikita ng mga indikator na ito, kasama ng ilang estadistikang inilabas nauna rito, na nananatiling matatag at mabuti ang takbo ng kabuhayang Tsino.
Salin: Liu Kai