Bilang tugon sa pananalita nina House Speaker Nancy Pelosi at Senador Marco Rubio ng Amerika tungkol sa Hong Kong, sinabi kahapon, Miyerkules, ika-14 ng Agosto 2019, ng tagapagsalita ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa Hong Kong, na ipinakikita ng pananalita ng naturang mga politikong Amerikano na sila ay "black hand" sa likod ng kasalukuyang grabeng karahasan sa Hong Kong.
Tinukoy ng tagapagsalita, na nitong ilang araw na nakalipas, lumalala ang karahasan sa Hong Kong, at ginawa ng mga radikal ang mga grabeng aksyong gaya ng paggamit ng mga malakas na sandata para sumalakay ng mga pulis, paghadlang sa normal na takbo ng paliparan, at pag-atake sa manlalakbay at mamamahayag. Pero aniya, sinabi ng mga politikong Amerikano na ang mga aksyong ito ay hindi krimen, at tinuligsa rin nila ang panig pulisya ng Hong Kong sa di-umanong paggamit ng dahas.
Sinabi ng tagapagsalita, na sa pamamagitan ng mga di-responsableng pananalita, ang mga politikong Amerikano ay naging tagapagtanggol at tagapagsalita ng mga marahas na butangero. Ito aniya ay mariing kinokondena ng mga mamamayang Tsino, na kinabibilangan ng 7 milyong kababayang taga-Hong Kong.
Salin: Liu Kai