Binuksan kahapon, Huwebes, ika-15 ng Agosto 2019, sa Manila, ang 3-araw na Ika-15 China Machinery and Electronic Brand Show.
Kalahok sa tanghalang ito ang 66 na bahay-kalakal ng de kuryenteng makinarya at kasangkapang elektrikal ng Tsina. Itinatanghal nila ang mga bago at de-kalidad na produkto sa aspekto ng kagamitan ng lakas elektrisidad sa bagong enerhiya, kagamitang pailaw, sasakyang komersyal at mga piyesa nito, kasangkapang elektrikal, at iba pa.
Ang layon ng tanghalan ay palawakin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga bahay-kalakal ng de kuryenteng makinarya at kasangkapang elektrikal ng Tsina at Pilipinas, at sa gayon, magbibigay ng bagong sigla sa kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan ng dalawang bansa.
Salin: Liu Kai