Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-16 ng Agosto 2019, ng tagapagsalita ng Office of United Nations High Commissioner for Human Rights (OHCHR) ang pagkilala sa mga hamong kinakaharap ng panig pulisya ng Hong Kong nitong nakalipas na ilang panahon, na kinabibilangan ng pagkasugat ng maraming pulis sa mga radikal na demonstrasyon.
Sinabi rin ng nabanggit na tagapagsalita, na bilang tugon sa isang pahayag na inilabas nauna rito ng OHCHR, kinumpirma ng panig pulisya ng Hong Kong ang pagtalima sa mga prinsipyo hinggil sa paggamit ng dahas. Positibo ang tanggapan sa pahayag na ito, dagdag niya.
Salin: Liu Kai