Ipinahayag kamakailan ng mga sirkulo ng komersyo, kultura, at edukasyon ng Hong Kong ang pagkatig sa lokal na pamahalaan at panig pulisya sa pagpigil sa karahasan, pagbibigay-wakas ng kaguluhan, at pagtatanggol sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong.
Nanawagan din sila sa lahat ng mga mamamayan ng Hong Kong, na magbuklod para sa pagtutol sa karahasan, pangangalaga sa kaayusang panlipunan, at pagpapanumbalik ng makatwirang pagtalakay.
Samantala, magkakahiwalay namang nagpalabas ng pahayag bilang pagkondena sa karahasan ang mga kompanyang dayuhan sa Hong Kong, na gaya ng Hong Kong and Shanghai Banking Corporation Limited, Jardine Matheson Group, Swire Group, at iba pa.
Nanawagan din sila sa iba't ibang sirkulo ng Hong Kong, na bigyang-wakas ang kaguluhan, magkakasamang paunlarin ang kabuhayan, at panatilihin ang posisyon ng Hong Kong bilang pandaigdig na sentrong pinansyal.
Salin: Liu Kai