Ipinahayag kahapon, Biyernes, ika-16 ng Agosto 2019, ng panig pulisya ng Hong Kong, na kung hindi silang sasalakayin ng mga radikal na protestador, hindi gagamitin ng panig pulisya ang dahas.
Winika ito sa isang preskon ni Yeung Man-pun, komander ng Kowloon City District ng Kapulisan ng Hong Kong.
Sinabi niyang, sa ilalim ng pagbibigay-priyoridad sa kaligtasan ng mga mamamayan, iginigiit ng panig pulisya ng Hong Kong ang prinsipyo ng hindi maunang paggamit ng dahas. Dagdag niya, kahit ginagamit ng panig pulisya ang dahas sa mga radikal na protestador, ito ay nagiging pinakamababang lebel na kinikilala sa daigdig.
Salin: Liu Kai