Ipinahayag Huwebes, Agosto 22, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na kaugnay ng kalagayan ng Hong Kong, ang pinakamalaking kahilingan ng 1.4 bilyong mamamayang Tsino, na kinabibilangan ng mga taga-Hong Kong, ay pagbibigay-wakas sa kaguluhan, pagpigil sa karahasan, at pagpapanumbalik ng kaayusan. Ang pinakamalaking pananabik nila ay pangangalaga sa kasaganaan at katatagan ng Hong Kong, dagdag ni Geng.
Ayon sa ulat, nagparada ang ilang overseas at ethnic Chinese at mag-aaral na Tsino sa Britanya, Australia at ibang bansa, bilang pagkatig sa paninindigan ng pamahalaang Tsino sa isyu ng Hong Kong. Nag-alala ang ilang dayuhang pamahalaan na ang mga parada ay iniorganisa ng mga organong Tsino sa ibayong dagat.
Kaugnay nito, tinukoy ni Geng na palagiang humihiling ang pamahalaang Tsino sa mga overseas Chinese na sundin ang mga batas at alituntunin sa lokalidad, at umaasa ring igagalang at mauunawaan ng mga kaukulang bansa ang lehitimong aktibidad ng mga mamamayang Tsino sa ibayong dagat, at pangangalagaan ang kanilang lehitimong karapatan at kapakanan.
Salin: Vera