Ipinahayag Lunes ng madaling araw,, Agosto 26, 2019 ng panig kapulisan ng Hong Kong na ginawa nitong Sabado ng mga radikal na raliyista ang mga marahas na kilos na kinabibilangan ng pagharang sa kalye, pagsira sa mga pampublikong instalasyon, may intensyong pag-atake sa mga pulis, at iba pa. Buong tinding kinondena ng panig kapulisan ng Hong Kong ang nasabing mga marahas na aksyon.
Dahil binabalewala ng mga radikal na protestador ang maraming beses na pagbabala ng mga pulis ng Hong Kong, isinagawa nito ang katugong aksyon kung saan dinakip ang 36 katao. Sinampahan silang kaso na gaya ng ilegal na pagrali, pagtago ng mga sandata, at pag-atake sa mga pulis.
Bukod dito, 15 pulis ang nasugatan sa nasabing aksyon. Binisita at kinumusta nitong Linggo gabi ng mga opisyal ang mga nasugatan na pulis at mahigpit niyang kinondena ang ilegal at marahas na aksyon ng mga rioters.
Ipinahayag ng panig kapulisan ng Hong Kong na tiyak nitong iimbestigahan ang mga marahas na aksyon para mabigyang-parusa ang mga may kagagawan.Nanawagan din ito sa mga residente na lumayo sa mga marahas na demonstrador at manatiling malayo sa mga protest areas para maigarantiya ang sariling seguridad.
Salin: Lito