|
||||||||
|
||
Nitong Lunes, Agosto 26, 2019, isinapubliko ng Tsina ang listahan ng mga karagdagang Free Trade Area Testing Zone na kinabibilangan ng probinsyang Shandong, Jiangsu, Hebei, Yunnan, HeiLongjiang, at Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, sa ngayon ay umabot na sa 18 ang bilang ng mga FTA Testing Zone sa buong Tsina.
Nitong mahigit isang taong nakalipas, bagama't inilunsad at pinalala ng panig Amerikano ang trade friction sa Tsina, walang humpay na napapalawak ng Tsina ang sariling pagbubukas ayon sa nakatakdang plano. Nananatili pa ring malakas na puwersang tagapagpasulong ang Tsina para sa globalisasyong pangkabuhayan at pagtatayo ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Bukod dito, ang walang humpay na pagpapasulong ng reporma at pagpapalawak ng pagbubukas ng Tsina ay nagkakaloob ng mga bagong oportunidad para sa pag-unlad ng buong daigdig. Sa kasalukuyang kalagayan ng paggigiit ng ilang bansa ng proteksyonismo, ipinakikita ng Tsina, sa pamamagitan ng buong tatag na pagpapalawak ng pagbubukas, ang atityud nito sa daigdig na sumusuporta sa globalisasyong pangkabuhayan, pagtanggap sa pamumuhunan sa Tsina ng mga dayuhang bahay-kalakal upang magkakasamang makinabang sa pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina sa bagong siglo.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |