Lunes, Setyembre 16, 2019, nakipagtagpo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas kay Chen Min'er, dumadalaw na Kalihim ng Komite ng Munisipalidad ng Chongqing ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Sa pagtatagpo, ipinaabot ni Chen ang pangungumusta ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina. Aniya, nakahanda ang kanyang munisipalidad na palakasin ang pakikipagpalitang lokal sa Pilipinas, palalimin ang pagpapalitan at pagtutulungan sa iba't ibang larangan, sa pamamagitan ng mga bagong pandaigdigang tsanel ng kalakalang panlupa't pandagat, at gawin ang positibong ambag para sa pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Saad naman ni Duterte, nasa pinakamagandang panahon ngayon ang relasyong Pilipino-Sino. Pinasalamatan niya ang ibinigay na suporta at tulong ng panig Tsino sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Pilipinas. Umaasa aniya siyang patuloy na matututuhan at hihiramin ang karanasan ng CPC sa pangangasiwa sa estado. Malugod na tinatanggap ng Pilipinas ang pagsasagawa ng Chongqing ng mas maraming pakikipagpalitan at pakikipagtulungan, ani Duterte.
Salin: Vera