Ipinatalastas kahapon, Lunes, ika-14 ng Oktubre 2019, ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na si Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng bansa, ay dadalo sa Ika-9 na Pulong ng mga Mataas na Kinatawan sa mga Suliraning Panseguridad ng mga Bansang BRICS, na idaraos sa ika-17 at ika-18 ng buwang ito, sa Brasilia, kabisera ng Brazil.
Ayon pa rin kay Geng, nananalig ang panig Tsino na ang kasalukuyang pulong ay makakatulong sa pagpapalalim ng estratehikong pagtitiwalaan ng mga bansang BRICS, bilang paghahandang pulitikal para sa BRICS Summit na idaraos din sa Brasilia sa darating na Nobyembre.
Salin: Liu Kai