Ipinasiya kamakailan ng panig opisyal ng Tsina na susugan ang ilang seksyon at artikulo ng regulasyon sa pangangasiwa sa mga foreign-funded insurance company at regulasyon sa pangangasiwa sa mga bangkong may puhunang dayuhan, at ibayo pang palawakin ang pagbubukas sa labas ng industriya ng pagbabangko at industriya ng seguro. Ito ay hindi lamang nagpapakita ng kompiyansa ng kabuhayang Tsino, kundi nakapagpatingkad din ng bagong lakas-panulak para sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.
Ang batayan ng magandang tunguhin ng kabuhayan sa mahabang panahon, walang humpay na paglitaw ng baong lakas-panulak ng paglago ng kabuhayan, at tuluy-tuloy na paglakas ng kakayahang kompetetibo ng mga organong pinansyal ay nagkakaloob ng lakas ng loob para sa matatag na pagpapasulong ng Tsina sa pagbubukas ng pinansya. Ang pagsusog sa nasabing dalawang regulasyon ay nagpapakita ng kompiyansa at determinasyon ng Tsina sa pagpapalawak at pagpapalalim ng pagbubukas sa labas ng industriya ng pinansya, at walang duda, makakahikayat din ito ng pagnenegosyo ng mas maraming kompanya sa Tsina, para tamasahin ang pagkakataon ng pag-unlad ng Tsina.
Salin: Vera