Nitong Huwebes at Biyernes, ika-17 at ika-18 ng Oktubre 2019, dumalo sa Brasilia, kabisera ng Brazil, si Yang Jiechi, Puno ng Tanggapan ng Sentral na Komisyon sa mga Suliraning Panlabas ng Tsina, sa Ika-9 na Pulong ng mga Mataas na Kinatawan sa mga Suliraning Panseguridad ng mga Bansang BRICS.
Sa kanyang talumpati sa pulong, sinabi ni Yang, na dapat palakasin ng mga bansang BRICS ang pagkakaisa at pagtutulungan, para magkakasamang harapin ang mga malaking pagbabago sa kalagayang pandaigdig. Nanawagan din siya sa mga bansa, na patuloy na patatagin ang kooperasyon sa tatlong pangunahing aspekto, na kinabibilangan ng seguridad na pulitikal; kabuhayan, kalakalan, at pinansyo; at pagpapalitan ng mga mamamayan.
Salin: Liu Kai