Taiyuan, Lalawigang Shanxi ng Tsina—Binuksan nitong Martes, Oktubre 22 ang Taiyuan Energy Low Carbon Development Forum 2019. Sa kanyang liham na pambati, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na ang low-carbon development ng enerhiya ay may kinalaman sa kinabukasan ng sangkatauhan. Lubos aniyang pinahahalagahan ng Tsina ang low-carbon development ng enerhiya, at aktibong pinapasulong ang reporma sa konsumo, suplay, teknolohiya at sistema ng enerhiya. Dagdag ni Xi, nakahanda ang Tsina, kasama ng komunidad ng daigdig, na komprehensibong palakasin ang kooperasyon sa enerhiya, pangalagaan ang seguridad ng enerhiya, harapin ang pagbabago ng klima, pangalagaan ang kapaligirang ekolohikal, at pasulungin ang sustenableng pag-unlad, para makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng iba't ibang bansa.
Salin: Vera