Sa kanyang tagubilin kamakailan sa gawain ng traditional Chinese medicine (TCM), tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na may ideyang pangkalusugan at karanasan sa praktika ng Nasyong Tsino nitong nakalipas na ilanlibong taon sa pamamagitan ng TCM. Ito'y nagpapakita ng katalinuhan ng mga mamamayang Tsino at Nasyong Tsino. Aniya, sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina, kapansin-pansin ang tagumpay na natamo ng usapin ng TCM ng Tsina, bagay na gumawa ng mahalagang ambag para sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga mamamayan.
Dagdag ni Xi, dapat sundin ang kalakaran ng pag-unlad ng TCM, manahin ang kahalagahan nito, at pabilisin ang modernisasyon at industriyalisasyon ng TCM. Dapat din aniyang pasulungin ang de-kalidad na pag-unlad ng industriya ng TCM, lubos na patingkarin ang katangi-tanging bentahe at papel ng TCM sa pagpigil at panggagamot ng mga sakit, at gawin ang ambag para sa pagtatatag ng "Malusog na Tsina" at pagsasakatuparan ng dakilang pag-ahon ng Nasyong Tsino.
Salin: Vera