Pormal na sinimulan ngayong araw, Huwebes, ika-31 ng Oktubre 2019, ang 5G commercial use sa Tsina. Ito ay palatandaang opisyal nang pumasok ang bansa sa bagong panahon ng 5G.
Ang teknolohiya ng 5G ay magdudulot ng mas mabuting serbisyo ng telekomunikasyon sa mga mamamayang Tsino, at magbibigay ng bagong sigla sa de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina. Ito rin ay makakatulong sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig.
Laging binibigyang-diin ng Tsina ang kahandaang ibahagi sa iba't ibang bansa ng daigdig ang teknolohiya ng 5G, para makinabang dito ang buong sangkatauhan. Sa kasalukuyan, sa pamamagitan ng mga aktuwal na aksyon, ginagalugad ng Tsina ang mga bagong industriya at bagong paraan ng paggamit ng 5G. Makakatulong ito hindi lamang sa pagbabago ng kabuhayan at lipunan ng bansang ito, kundi rin sa pagdudulot ng bagong lakas sa pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Bilang responsableng malaking bansa, magbibigay ang Tsina ng aktuwal na ambag sa buong daigdig, sa pamamagitan nito.
Salin: Liu Kai