Sa kanyang talumpati sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-2 China International Import Expo (CIIE) na idinaos ngayong araw, Martes, ika-5 ng Nobyembre 2019, sa Shanghai, iniharap ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang tatlong proposal hinggil sa pagpapasulong ng globalisasyong pangkabuhayan, at ipinatalastas din ang limang pangunahing hakbangin ng bansa para sa pagpapataas ng lebel ng pagbubukas sa labas.
Sa pamamagitan ng mga ito, magbibigay ang Tsina ng bagong lakas sa pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan. Ipinakikita nito ang responsibilidad ng Tsina bilang malaking bansa sa daigdig, at matapat na hangarin din nitong isakatuparan, kasama ng iba't ibang bansa ng daigdig, ang komong pag-unlad.
Ang pagdaraos ng ekspo para sa pag-aangkat ay mahalagang aksyon ng Tsina ng pagbubukas ng pamilihan nito sa daigdig. Bilang responsableng ikalawang ekonomiya sa daigdig, buong linaw na ipinangako ng Tsina ang pagpapalawak ng pagbubukas sa labas.
Ang mas bukas na Tsina ay magdudulot ng mas maraming pagkakataon sa iba't ibang bansa para sa kalakalan, pamumuhunan, at pagpapasulong ng sariling kaunlaran. Ang Tsina ay mananatili ring mahalagang puwersa para sa pagbuo ng bukas na kabuhayang pandaigdig at pagtatatag ng komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan.
Salin: Liu Kai