Sa kanyang talumpati sa Ika-11 Summit ng mga Bansang BRICS (Brazil, Rusya, India, China at South Africa), na ipininid nitong Huwebes, Nobyembre 14, sa Brasilia, Brazil, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga bansang BRICS na isabalikat ang responsibilidad sa tatlong pangunahing aspektong kinabibilangan ng pulitika, kabuhayan, at pagpapalitan ng mga mamamayan. Nagbigay ito ng malinaw na direksyon at bagong plano ng aksyon para sa pagpapalalim ng kooperasyon ng mga bansang BRICS.
May mahalagang katuturan ang tatlong mungkahing iniharap ni Pangulong Xi. Ang paglikha ng mapayapa at matatag na kapaligirang panseguridad ay mahalaga para sa pag-unlad ng mga bansang BRICS at ibang mga bagong-sibol na bansa. Ang pagsasakatuparan ng bukas at inobatibong pag-unlad sa hinaharap ay may kinalaman sa kabiyayaan ng mga mamamayan, at mahalaga rin para sa partnership ng bagong rebolusyong industriyal ng mga bansang BRICS. Ang pagpapasulong naman sa pagpapalitan ng mga mamamayan at pagtuto ng isa't isa ay maglalatag ng matibay na pundasyon ng opinyong publiko para sa kooperayson ng BRICS.
Batay sa mga mungkahing ito, may pag-asang mas matatag na tututulan ng mga bansang BRICS ang proteksyonismo, mas aktibong pasusulungin ang pagbuo ng pandaigdig na pamamahalang may malawak na konsultasyon, magkakasamang kontribusyon, at pinagbabahaginang benepisyo, ibayo pang palalakasin ang karapatang magsalita at impluwensiya ng mga bagong-sibol at umuunlad na bansa sa mga suliraning pandaigdig, at ilalagay ang isyu ng pag-unlad sa nukleong posisyon sa pandaigdig na balangkas ng makro-polisya. Sa pamamagitan ng mga ito, magiging mas masagana ang kooperasyon ng BRICS sa hinaharap, para magdulot ng benepisyo hindi lamang sa limang bansang mismo, kundi rin sa buong daigdig.
Salin: Liu Kai