Sa komentaryong inilabas kahapon, Lunes, ika-18 ng Nobyembre 2019, ng China Central Television (CCTV), sinabi nitong, ang lumalalang karahasan sa Hong Kong ay dapat ituring na aksyong teroristiko, at inilagay nito ang Hong Kong sa bingit ng terorismo.
Ayon pa rin sa komentaryo, sa kasalukuyan, narating ng iba't ibang sirkulo ng Hong Kong ang malawak na komong palagay at inilabas ang malakas na tinig hinggil sa pagtutol sa karahasan, paglaban sa pagpapabagsak ng kapangyarihan, at pagpapanumbalik ng kaayusan. Mabibigo ang anumang tangka ng mga puwersang dayuhan na lumikha ng kaguluhan sa Hong Kong, at ang kinabukasan ng Hong Kong ay nasa kamay ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga taga-Hong Kong, dagdag ng komentaryo.
Salin: Liu Kai