Pinahahalagahan ng mga lehislador at personahe mula sa sirkulong ekonomiko at komersyal ng Hong Kong ang pahayag kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina tungkol sa kalagayan sa rehiyong ito. Ipinalalagay nilang, nakalakip sa pahayag ang malinaw na kahilingan sa pagbibigay-wakas sa karahasan at kaguluhan sa Hong Kong.
Sinabi nilang, sa ilalim ng patnubay ng pahayag, dapat gamitin ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong ang lahat ng mga lehitimong paraan, para parusahan ang mga maykagagawan. Dapat din anilang suportahan ng mga mamamayan ng Hong Kong ang pamahalaan, para magkakasamang pangalagaan ang kasaganaan at katatagan ng lugar na ito.
Salin: Liu Kai