Sa magtatapos na taong 2019, ang "pagbubukas" ay palagiang isang masusing salita tungkol sa pag-unlad ng Tsina. Ito rin ay masusing sanhi ng pagkakaloob ng Tsina ng benepisyong pangkaunlaran para sa daigdig.
Sa taong 2019, sa harap ng proteksyonismong pangkalakalan at unilateralismo, patuloy at malalim na isinusulong ng Tsina ang pagbubukas ng paggalaw ng mga produkto, at binibigyan ng mas malaking pagpapahalaga ang pagbubukas ng mga regulasyon upang walang humpay na mapalakas ang kakayahan sa pagharap sa mga panganib at hamon. Bunga ng walang humpay na pagpapalawak ng pagbubukas, nagkakaloob ang Tsina ng parami nang paraming 'benepisyong Tsino" para sa buong daigdig. Kasabay nito, patuloy na isinusulong ng Tsina ang pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig, at isinasagawa ang isang serye ng katugong hakbangin.
Sa bagong siglo, patuloy na palalawakin ng Tsina ang pagbubukas ng pamilihan nito, patuloy na pabubutihin ang kayarian ng pagbubukas, patuloy na pabubutihin ang kapaligirang pangnegosyo, patuloy na palalalimin ang multilateral na kooperasyon, patuloy na isusulong ang "Belt and Road" para mapasigla pa kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig, ang kabuhayang pandaigdig.
Salin: Li Feng