|
||||||||
|
||
Sa isang patalastas na inilabas kamakailan ng Customs Tariff Commission ng Konseho ng Estado ng Tsina, ibinaba ng Tsina ang taripa ng ilang inaangkat na produkto. Ipinakikita nito na batay sa nakatakdang plano, buong tatag na isinusulong ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas, at de-kalidad na pag-unlad ng kabuhayan para sa pagtatatag ng bukas na kabuhayang pandaigdig.
Ang nasabing pagpapababa ng taripa ay isang mahalagang hakbangin ng pagpapatupad ng Tsina ng pangako nitong palawakin ang pagbubukas at magkakasamang tamasahin kasama ng iba't-ibang bansa sa daigdig, ang benepisyo. Bukod dito, patuloy na isasagawa ng Tsina ang preferential tariff para sa mga di-pinakamaunlad na bansa, bagay na nagpapakita ng inklusibidad ng kaunlaran.
Ang Tsina na may napakalaking pamilihan, napakalakas na potensyal ng konsumo, at pagiging mas bukas, ay magkakaloob ng mas malawak na plataporma para sa mga mabuting produkto ng iba't-ibang bansa sa daigdig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |