|
||||||||
|
||
Sa news briefing na idinaos nitong Linggo, Enero 26, 2020 ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, ipinagdiinan nito na sa ilalim ng pamumuno ng leading working group ng pamahalaang sentral sa pagharap sa kalagayang epidemiko, ipapauna ang pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko at puspusang pabubutihin ang gawaing ito. Noong Enero 25, idinaos ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang pulong kung saan ipinasiyang buuin ang leading working group sa pagharap sa kalagayang epidemiko, at ipinadala ang mga grupong pampatnubay sa probinsyang Hubei at iba pang lugar na grabeng apektado ng epidemiya. Ito'y sumasagisag na itinaas na sa pinakamataas na lebel ang pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko, at ipinakikita nito ang matatag na determinasyon ng CPC sa pangangalaga sa kaligtasan ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan, at ang mataas na responsibilidad ng Tsina sa pangangalaga sa seguridad ng pampublikong kalusugan sa buong daigdig. Muling ipinakikita ng mga ito ang bentahe ng sistema ng Tsina.
Sa harap ng biglang naganap na kalagayang epidemiko sa lunsod Wuhan, probinsyang Hubei ng Tsina, isinagawa ng Tsina ang mga mabilis, mabisa, bukas, at maliwanag na hakbangin na nakuha ang unibersal na pagtiyak ng komunidad ng daigdig. Nagtampok kamakailan ang maraming dayuhang media sa impormasyong maitatayo ng Wuhan ang pansamantalang ospital sa loob ng 6 na araw lamang. Inilathala ng British Broadcasting Corporation (BBC) ang artikulong pinamagatang "Bakit kayang maitayo ng Tsina ang isang ospital sa loob ng 6 na araw." Anito, dahil maaring mapawi ng pamahalaang Tsino ang lahat ng bureaucratic restrictions, kaya nitong kolektahin at pasiglahin ang lahat ng social resources sa pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko.
Sa kasalukuyan, ipinatupad na ng 30 probinsyang Tsino ang Level 1 ng Public Health Emergency Response na sumasakalw sa 1.3 bilyong populasyon. Bukod dito, ipinadala ng iba't-ibang lugar ang grupong medikal sa probinsyang Hubei para tulungan ito sa pagkontrol at pagpigil sa kalagayang epidemiko.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |