|
||||||||
|
||
Pinagtibay Enero 28 (local time), 2020 ng US House of Representatives ang umano'y "Tibetan Policy and Support Act of 2019." Kaugnay nito, ipinahayag nitong Miyerkules, Enero 29 ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang nasabing kilos ng panig Amerikano ay grabeng lumalabag sa pandaigdigang batas at pundamental na norma ng relasyong pandaigdig, bastos na nanghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina, at nagpapalabas ng malubhang maling signal sa puwersang naninindigan sa "pagsasarili ng Tibet." Ipinahayag aniya ng panig Tsino ang matinding pagkapoot at buong tatag na pagtutol hinggil dito.
Ipinagdiinan ni Hua na nitong mahigit 60 taong nakalipas, natamo ang historikal na progreso sa iba't-ibang larangan ng Tibet na gaya ng kabuhayan, lipunan, kultura, at ekolohiya. Sa kasalukuyan, sustenableng malusog na umuunlad ang kabuhayang Tibetano, maharmoniya at matatag ang pangkalahatang kalagayang panlipunan, at walang humpay na bumubuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tibetano, ani Hua.
Tinukoy pa ni Hua na ang isyu ng Tibet ay mahalagang isyu ng prinsipyo na may kinalaman sa soberanya at kabuuan ng teritoryo ng Tsina sa halip ng isyu ng nasyonalidad, relihiyon, at isyu ng karapatang pantao. Hinihimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na obdiyektibong pakitunguhan ang natamong tagumpay ng Tibet sa larangan ng kabuhayan at lipunan, agarang iwasto ang kamalian nito, at itigil ang panghihimasok sa suliraning panloob ng Tsina sa pamamagitan ng isyu ng Tibet, dagdag ni Hua.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |