Sa panayam sa media, ipinahayag Pebrero 2, 2020 ni Pangulong Donald Trump ng Amerika, na isinara ng Amerika ang mga landas mula sa Tsina para maiwasan ang pagpasok ng new corona virus (2019-nCov) sa Amerika. Mabuti aniya ang relasyong Amerikano-Sino, at ipinagkakaloob ng Amerka ang malaking tulong sa Tsina.
Hinggil dito, ipinahayag Perbrero 4, 2020, ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panalabas ng Tsina na dapat isagawa ng Amerka ang makatuwirang pakikitungo, huwag gumawa ng di-nararapat na sobrang reaksyon, at igalang ang pagsisikap ng Tsina para labanan ang epidemya kasama ng komunidad ng daigdig. Nalaman ng Tsina na ipinahayag ng Amerika na nagkaloob ito ng tulong. Ani Hua, umaasa ang Tsina na darating sa bansa ang mga tulong sa lalong madaling panahon.
Binigyan-diin ni Hua na sa kasalukuyan, buong lakas na nagsisikap ang pamahalaang Tsino at mga mamamayan para labanan ang epidemya. Mayroong kompiyansa ang Tsina na matatamo ang tagumpay sa digmaang ito, mariin niyang sinabi. Lubos aniyang kinumpirma at suportado ng World Health Orgnization (WHO) at komunidad ng daigdig ang pagsisikap ng Tsina.
Salin: Sarah