Inilabas kahapon, Miyerkules, ika-5 ng Pebrero 2020, ng Tsina ang "No. 1 Central Document" hinggil sa mga gawain ng agrikultura, kanayunan, at mga magsasaka. Ito ang pagpapalabas ng ganitong dokumento nitong nakalipas na 17 taong singkad.
Bilang indikator ng mga may priyoridad na patakaran sa naturang mga gawain, ayon sa dokumento, isasakatuparan sa taong ito ang pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mas mataas na antas. Para rito, dapat iahon ang lahat ng mahirap na populasyon sa kanayunan, at palakasin ang mga gawaing may kakulangan at kahinaan sa aspekto ng rikultura, kanayunan, at mga magsasaka.
Salin: Frank