Sa pulong nitong Miyerkules, Pebrero 26, 2020 ng Pirmihang Lupon ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), pinakinggan ang ulat ng leading group sa pagharap sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), inanalisa ang kasalukuyang kalagayan ng epidemiya, at pinag-aralan at isinaayos ang pokus ng gawain ng pagpuksa sa epidemiya.
Dito ay nangulo at nagtalumpati sa pulong si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.
Samantala, bilang tugon sa pananawagan ng Komite Sentral ng CPC sa mga miyembro ng partido, nag-abuloy ng pondo ang lahat ng mga pirmihang kagawad ng pulitburo na gaya nina Xi Jinping at Li Keqiang, para katigan ang gawain ng pagpigil at pagkontrol sa epidemiya.
Salin: Vera