Sa artikulong inilathala kamakailan ng "Grayzone," independenteng website ng Amerika, Ibinunyag nito na kamukhang isang "organisasyon ng karapatang pantao" ang "World Uyghur Congress," sa katunayan, ito ay nagsasagawa ng mga aktibidad ng paghihiwalay-hiwalay ng Tsina sa ilalim ng suporta ng National Endowment for Democracy (NED) ng Amerika.
Anang artikulo, may 33 bangay ang "World Uyghur Congress" sa 18 bansa't rehiyon sa buong daigdig na ang punong himpilan nito ay nasa Munich. Ito anito ay nagsisilbing nukleong organo ng pagsasagawa ng Amerika ng "New Cold War" laban sa Tsina. Sapul noong 2016, ipinagkaloob ng NED ang mahigit 1.28 milyong dolyares sa "World Uyghur Congress," at karagdagang ilang milyong dolyares ang ibinigay din sa mga bangay ng organisasyon nito.
Ibinunyag ng artikulo na bagama't nagdedeklara ang "World Uyghur Congress" ng kanyang "kapayapaan at kawalang-karahasan," palagian itong nakikipag-ugnayan sa "Gray Wolves," right-wing organization ng Turkey na kasangkot sa mga marahas na aktibiad. Nagbabanta rin ang mga pangunahing miyembro ng "World Uyghur Congress" na "ilulunsad ang giyera laban sa Tsina."
Dagdag pa ng artikulo, nitong ilang taong nakalipas, ang mga baluktot na pagbabalita ng mga mediang kanluranin tungkol sa isyu ng Xinjiang ng Tsina, ay pawang pinagplanuhan ng mga separatistang kontra-kumunismo na pinupundohan at pinasasanayan ng pamahalaang Amerikano.
Salin: Lito