|
||||||||
|
||
Sa news briefing noong Marso 18, 2020, binatikos ni Mayor Bill de Blasio ng New York ang di-mabisang aksyon ng pamahalaan ni Donald Trump sa pagharap sa epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).
Aniya, bigo si Trump na gamitin ang yaman ng buong bansa sa lalong madaling panahon, para napapanahong kontrolin ang pagkalat ng epidemiya.
Diin niya, Marso 18, nang simulang isagawa ni Trump ang Defense Production Act (DPA), pero isinagawa ng New York ang mga katugong hakbangin noon pang Enero 24.
Palagay niya, bilang pangulo ng Amerika, dapat naipatalastas ni Trump ang pagsasagawa ng DPA noong Enero o Pebrero.
Ani de Blasio, pagkaraan ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang New York City ay mauubusan ng mga materyal na medikal para sa paglaban sa COVID-19.
Saad niya, sa pamamagitan ng pagpapakilos ng lahat ng yamang militar ng Amerika, saka lamang mapupunan ang kakulangan sa suplay na medikal.
Pero, hanggang ngayon aniya, hindi pa lubos na pinakikilos ni Trump ang tropang Amerikano na kinikilala bilang pinakamalakas na sandatahan sa buong mundo.
Tinaya niyang pagpasok ng Abril, magiging mas malala ang situwasyon.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |