Nang kapanayamin kamakailan ng magasing "Science" ng Amerika, sinabi ni Anthony Fauci, Direktor ng National Institute of Allergy and Infectious Diseases (NIAID) ng Amerika at dalubhasa sa pagkakaloob ng siyentipikong mungkahi sa epidemiya sa White House, na hindi siya sang-ayon sa ginawang pagtawag ni Pangulong Trump sa coronavirus bilang "Chinese virus."
Saad ni Fauci, pagkaraang sabihin di umano ni Trump na dapat 3 o 4 na buwang mas maagang ipinaalam ng Tsina sa Amerika ang impormasyon ng epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), sinabi ni Fauci sa kaukulang tauhan na di-totoo ang ganitong pananalita, at kung gayon nga, dapat mga Setyembre ito ginawa.
Dagdag niya, hindi niya tinawag at hindi niya tatawagin magpakailanman ang coronavirus bilang "Chinese virus." At patuloy niyang ibabahagi ang katotohanan sa mga opisyal sa loob ng White House.
Salin: Vera