Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[FB Live] Opisyal na Facebook Livecast hinggil sa COVID-19, Marso 29, 2020

(GMT+08:00) 2020-03-29 16:33:25       CRI

https://www.facebook.com/CRIFILIPINOSERVICE/videos/2252228571750424/

PAKSA:

1. DONASYONG TEST KIT NG TSINA SA PILIPINAS, SIMBISA NG MGA TEST KIT NG WHO - DOH

2. KARAGDAGANG 500,000 FACE MASK, DONASYON NG BANK OF CHINA PARA SA MGA PILIPINO

PAKSA 1

* Sa IPINADALANG MENSAHE ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque kay Embahador Huang Xilian ng Tsina sa Pilipinas, sinabi niyang

"Hi! There is nothing wrong with the REAL TIME-POLYMERASE CHAIN REACTION machine which is used for generating positive or negative result as the case may be! Again your Test Kits BGI and SANSURE BIOTECHNOLOGY are very good and up to the standards as those which were donated by WHO and approved by our RITM. AGAIN OUR GRATITUDE AND APPRECIATION TO YOU AND THE CHINESE Government."

* Ang mensaheng ito ay opisyal na responde ng DOH at kalihim ng DOH sa preskon na idinaos, Marso 28, 2020 ni Assistant Secretary Maria Vergeire.

Sinabi ni Vergeire:

"Sa mga pinadala sa amin na test kits from China na nakapagpakita ng 40 percent accuracy - hindi po natin ito ginamit dahil nakita na mababa ang accuracy natin dito. Kaya ito na lang po ay ating itinago."

* Bilang tugon, agarang nakipagkoordina ang Embahada ng Tsina sa DOH, at ayon sa klaripikasyong ibinigay ng DOH, ang dalawang batch ng mga test kit na ibinigay ng pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino, na kinabibilangan ng 2,000 PCR type na gawa ng Beijing Genomics Institute (BGI) at 100,000 PCR type na gawa ng Sansure Biotechnology ay sinuri ng Research Institute of Tropical Medicine (RITM) at napatunayang AT PAR o SIMBISA ng mga test kit na nagmumula sa World Health Organization (WHO).

* Dagdag pa riyan, ang mga test kit na donasyon mula sa Tsina ay pumasa rin sa pagsusuri at may aprubasyon ng National Medical Products Administration (NMPA) ng Tsina.

* Ayon pa sa pahayag ng Embahada ng Tsina, sinabi rin sa klaripikasyon ng DOH na ang naturang mga test kit ay may mataas na kalidad at istandard, at walang anumang problema sa akurasiya o accuracy rate.

* Sinabi rin ng DOH na ang mga donasyong test kit ng Tsina ay kasalukuyan ngayong ginagamit sa mga laboratoryo ng Pilipinas , na nakatutulong nang malaki sa pagpapabilis sa proseso ng pagsusuri sa mga may sakit.

* Ayon pa sa pahayag ng Embahadang Tsino ang mga test kit na pinatutungkulan ni Assistant Secretary Maria Vergeire ay hindi dumaan sa pagsusuri ng RITM, hindi natanggap ng RITM para sa pagsusuri, at hindi rin donasyong nagmula sa pamahalaang Tsino.

* Diin ng Embahadang Tsino, nang sumiklab ang epidemiya ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), walang-tigil na tumutulong ang pamahalaang Tsino sa pamahalaang Pilipino upang labanan ang epidemiya.

* Sa panahong ito ng krisis, sinabi ng Embahadang Tsino na kailangang magkasamang labanan ng Tsina at Pilipinas ang epidemiya para marating ang tagumpay sa pinakamadaling panahon.

* Ipinagdiinan ng Embahadang Tsino, na tinututulan nito sa pinakamatinding paraan ang anumang iresponsableng pananalita at anumang hakbang na maaaring sumira sa kooperasyon at pagtutulungan ng dalawang bansa.

PAKSA 2

* Tinanggap Sabado, ika-28 ng Marso, 2020 ng DOH ang 500,000 surgical mask na bigay ng Bank of China para tulungan ang mga medical team ng mga ospital at komunidad ng Pilipinas sa paglaban sa epidemiya ng COVID 19.

* Ipinahayag ni Dr. Miko Amansec ng Bureau of International Health Cooperation (BIHC) ng DOH na napapanahon ang mga mask para sa paglaban ng Pilipinas sa COVID 19. Pinasalamatan din niya ang pagtulong ng Bank of China.

* Sa kahon ng mga masks, nakalagay ang "Matibay ang walis, palibhasa'y magkabigkis" para ipakita ang pagsuporta at pagbati ng Bank of China sa Pilipinas.

* Samantala, Marso 26, dumating ang ikatlong batch ng tulong ng Tsina sa Pilipinas na kinabibilangan ng 200,000 N95 MASKS, 100,000 SURGICAL MASKS AT 2,000 THERMAL /INFRARED THERMOMETERS, MULA SA LOKAL NA PAMAHALAAN NG LUNSOD GUANGZHOU, LALAWIGANG GUANGDONG NG TSINA, AT ANG MGA ITO AY IBINIGAY SA LUNSOD NG MAYNILA.

* Noong Marso 25, isang video meeting ang idinaos sa pagitan ng mga doktor mula sa Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) at First Affiliated Hospital of Medical School ng Zhejiang University kung saan ibinahagi ng mga ekspertong Tsino ang kanilang mga kaalaman at karanasan sa pagpigil at pagkontrol, at paggamot sa COVID-19 sa mga doktor na Pilipino.

* Noong Maso 21, dumating sa bansa ang ikalawang batch ng donasyong medikal mula sa Tsina, na kinabibilangan ng 100,000 test kits, 100,000 surgical masks, 10,000 N95 masks, at 10,000 sets ng personal protective equipment (PPE).

* Noong Marso 16, dumating sa Pilipinas ang unang tulong ng Tsina na kinabibilangan ng 2,000 test kits.

* Bukod pa riyan, 50,000 test kits ang ibinigay sa Pilipinas ni Jack Ma, kilalang negosyante ng Tsina at tagapagtatag ng Alibaba Group of Companies.

* Nakatakda rin siyang magbigay pa ng 500,000 surgical masks.

SOURCE:

https://www.fmprc.gov.cn/ce/ceph/eng/sgdt/t1763183.htm
Wang Haili, Mamamahayag ng Filipino Service sa Pilipinas
https://filipino.cri.cn/301/2020/03/29/102s167008.htm

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>