Sa kanyang panayam sa mamamahayag ng China Media Group (CMG) kamakailan, ipinahayag ni Ginang Sounthone Sayachak, Puno ng External Affairs Commission ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party, na sa proseso ng paglaban sa COVID-19 pandemic, natamo ng Tsina ang kasiya-siyang bunga, bagay na hindi lamang nangangalaga sa seguridad ng buhay ng mga mamamayang Tsino, kundi gumawa rin ng positibong ambag para sa pangangalaga sa seguridad ng buhay ng mga mamamayan ng buong mundo.
Aniya, sa kasalukuyan, kasabay ng pagpapalakas ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya, at pagpapabilis ng pagpapanumblik ng trabaho't produksyon, aktibong ipinagkakaloob ng Tsina ang tulong sa iba't ibang bansa. Pero sa motibong pulitikal, ginamit ng mga pulitiko ng ilang bansa ang pananalitang may pagtanging ukol sa Tsina, at higit sa lahat, binatikos, siniraan at nang insulto pa sa Tsina.
Saad ni Sayachak, buong tatag na kinakatigan ng kanyang partido at pamahalaan ang mga mahigpit na hakbanging isinasagawa ng partido at pamahalaan ng Tsina, sa proseso ng paglaban sa pandemiya. Napapatunay ng katotohanan na mabisa ang nasabing mga hakbangin, dagdag niya.
Salin: Vera