|
||||||||
|
||
Nitong Martes, Abril 14, 2020, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pansamantalang pagtigil ng pagkakaloob ng pondo sa World Health Organization (WHO).
Kaugnay nito, hinimok nitong Miyerkules ni Tagapagsalita Zhao Lijian ng Ministring Panlabas ng Tsina ang panig Amerikano na huwag tumalikod sa sariling tungkulin at obligasyon, at katigan ang pamumuno ng WHO sa pandaigdigang aksyon laban sa pandemiya.
Saad ni Zhao, bilang pinaka-awtorisado't pinakapropesyonal na organong pandaigdig sa larangan ng seguridad ng kalusugang pampubliko, ang WHO ay mayroong di-mahahalinhang papel sa aspekto ng pagharap sa pandaigdigang krisis sa kalusugang pampubliko.
Lalong lalo na, ani Zhao, sapul nang sumiklab ang COVID-19 pandemic, ginampanan ng WHO ang koordinadong papel sa pagpapasulong ng pandaigdigang kooperasyon sa paglaban sa epidemiya, at ito ay unibersal na kinikilala at lubos na pinupuri ng komunidad ng daigdig.
Dagdag niya, sa kasalukuyan, matindi ang kalagayan ng pandemiya sa buong mundo.
Ang nasabing kapasiyahan ng Amerika ay makakapagpahina sa kakayahan ng WHO, makakapinsala sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya, at makakaapekto sa iba't ibang bansang kinabibilangan ng Amerika, lalong lalo na, sa mga bansang may mahinang kakayahan sa paglaban sa pandemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |