Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: pansamantalang pagtigil ng pagbibigay-pondo ng Amerika sa WHO, pinsala sa sarili at ibang panig

(GMT+08:00) 2020-04-16 16:12:16       CRI

Sa news briefing ng White House hinggil sa Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) pandemic nitong Martes, Abril 14, 2020, ipinatalastas ni Pangulong Donald Trump ng Amerika ang pansamantalang pagtigil ng pondong ibinibigay kanyang pamahalaan sa World Health Organization (WHO).

Binatikos din niya ang WHO sa di-umano ay di-mabisa nitong paghawak sa problema ng CORONA VIRUS DISEASE 2019 (COVID-19); bagay na humantong sa pagsiklab ng pandemiya.

Sa ilalim ng pandaigdigang krisis ng kalusugang pampubliko, ang ganitong aksyon ng pagbaling ng sariling kamalian sa ibang panig at pagsusulong ng unilateralismo ay, walang duda, makakapagpahina sa kakayahan ng WHO, makakaapekto sa pandaigdigang kooperasyon laban sa pandemiya, at makakapinsala sa interes ng mga mamamayan ng iba't ibang bansang kinabibilangan ng Amerika.

Sa kasalukuyan, mga 2 milyon ang kabuuang bilang ng mga naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo, at pahirap nang pahirap ang kalagayan ng pagpigil at pagkontrol sa pandemiya.

Sa ganitong masusing panahon, ang kapasiyahan ng Amerika ay hindi lamang pagtalikod sa pandaigdigang pangako nito, kundi, ito rin ay makakasira sa pandaigdigang kooperasyon sa pagpuksa sa pandemiya.

Sa katunayan, may mga nauna nang palatandaan na ititigil ng Amerika ang pagkakaloob ng pondo sa WHO.

Hanggang noong Pebrero 29, 2020, inutang ng Amerika ang lampas sa 70% ng mga bayarin nito sa WHO.

Hindi rin binayaran ng Amerika ang mga bayarin nito para sa taong 2020, na dapat mabayaran bago Enero 1 ng taong ito.

Samantala, ayon sa artikulo ng Politico, kilalang website ng mga balitang pulitikal ng Amerika, na sa budget sa fiscal year 2021 na inilabas ng White House, malinaw na hiniling ng pamahalaan ni Trump sa kongreso na bawasan ng higit sa kalahati ang pondong ibibigay sa WHO.

Dahil dito, tinukoy ng maraming tagapag-analisa na ang sinasabing di-umano'y, di-mabisang paghawak ng WHO sa pandemiya ay, sa katunayan, katuwiran lamang ng pamahalaang Amerikano para di-magbayad ng membership dues.

Ang isa pang malinaw na tangka ng pamahalaang Amerikano ay pagbaling ng sisi sa ibang panig, at paglihim ng sariling kamalian.

Sapul nang umakyat sa poder ang kasalukuyang pamahalaang Amerikano, hinarap nito ang halos lahat ng mahahalagang isyu, batay sa paninindigan kontra globalisasyon, at walang humpay nitong nilikha ang kaguluhan sa komunidad ng daigdig.

Sa harap ng kumakalat na pandemiya ng COVID-19, iginigiit pa rin ng pamahalaan ni Donald trump ang sariling estilo ng pananalita at kilos, at nagsisilbi itong puwersang nakakasira sa pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya.

Walang kinikilalang hanggahan ang virus, at maaaring maapektuhan ng pandemiya ang lahat ng lahi.

Ang sangkatauhan at isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan, at ang pagkakaisa't pagtutulungan ay siyang pinakamabisang sandata sa pagpuksa ng epidemiya.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>