|
||||||||
|
||
Nitong ilang araw na nakalipas, ipinakalat ng ilang personaheng Amerikano ang tsismis na umano ay "nakakaranas ng diskriminasyon ang mga Aprikano sa Guangzhou."
Sa katunayan, ang mga isinasagawang hakbangin ng Tsina sa pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ay batay sa responsableng pakikitungo sa kalusugan ng mga Tsino at mga dayuhan sa Tsina.
Pantay-pantay at walang anumang pagtatangi ang mga hakbanging ito.
Bilang isa sa mga rehiyong may pinakamalaking presyur sa pagpigil sa imported cases ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19) sa Tsina, isinagawa kamakailan ng lunsod ng Guangzhou ang pagsusuri sa lahat ng mga grupong may mataas na panganib sa pagkahawa ng virus, kasama na ang mga flight.
Kaugnay nito, 15,000 katao ang ikinuwarentenas sa kani-kanilang pamamahay o takdang lugar.
Kabilang dito, mahigit 4,600 ay mga dayuhan, na kinabibilangan ng mga Aprikano, at mga mamamayan mula sa 13 bansang gaya ng Rusya, Amerika at Australia.
Walang batayan ang pananalitang "ang mga hakbangin ay nakatuon sa mga Aprikano."
Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono kay Wang Yi, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, ipinahayag ni Moussa Faki Mahamat, Tagapangulo ng Komisyon ng Unyong Aprikano, na tinatangka ng ilang puwersa na sirain ang pagkakaibigang Sino-Aprikano, sa pamamagitan ng kasalukuyang pandemiya.
"Hinding hindi magtatagumpay ang kanilang tangka," diin ni Faki.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |