Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

KATOTOHANAN: SARS-Cov-2, mula sa kalikasan; pamahalaang Amerikano, patuloy ang paninirang-puri sa Tsina

(GMT+08:00) 2020-04-22 16:00:40       CRI

Pagbabaling ng sisi sa iba, pagpapalaganap ng diskriminasyong panlahi at maruming pamumulitika; ang lahat ng ito ang ipinamalas ng kasalukuyang pamahalaan ng Amerika sa buong mundo, kasabay ng paglaganap sa bansa ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19).

Sa kabila ng mahigit 800,000 nahawahan at mahigit 43,000 namatay sa Amerika dahil sa COVID-19, patuloy pa rin ang ilang pulitikong Amerikano sa pagpapalabas ng dispalinghadong pananalita laban sa Tsina.

Kahit walang siyentipikong ebidensya, ipinipilit pa rin nilang nagmula di-umano ang virus sa laboratoryo sa Wuhan at dapat ay humingi ng kompensasyon ang mundo sa Tsina dahil sa pinsalang dulot ng COVID-19.

Hinggil dito, sinabi, Abril 20, 2020 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na ang 2009 H1N1 flu pandemic ay lumaganap mula sa Amerika, at naging sanhi ng pagkamatay ng halos 200,000 katao; ang Acquired Immuno Deficiency Syndrome (AIDS) ay una ring nadiskubre sa Amerika noong dekada 80; at ang subprime mortgage crisis sa Amerika ay lumala at naging 2008 global financial crisis, pero, hindi nagbayad ang Amerika sa lahat ng ito.

Samantala, inakusahan pa ng ilang politikong Amerikano ang Tsina at World Health Organization (WHO) na mabagal di-umano sa pagbabahagi ng impormasyon, at pinagtatakpan ang tunay na estadistika ng mga nagkasakit at namatay.

Ang lahat ito ay pawang kasinungalingan!

Mula Enero 3, 2020, regular na ipinagbibigay-alam ng Tsina sa WHO, at ipinapaabot sa Amerika ang mga impormasyon tungkol sa epidemiya.

Ang mga impormasyong ito ay inilalagay rin ng WHO sa social media mula Enero 4, 2020.

Sa loob ng sumunod na dalawang buwan, ipinagbale-wala ng US federal government ang panganib ng pandemiya — at kahit hanggang ngayon, ineenkorahe pa nito ang mga mamamayang Amerikano na "liberate" ang sarili mula sa lockdown, at balewalain ang kuwarentina, isolation at social distancing.

Sa kabilang dako, ipinahayag, Martes, Abril 21, 2020 ni ipinahayag ni Fadela Chaib, Tagapagsalita ng WHO, na "itinuturo ng lahat ng ebidensya na ang Severe Acute Respiratory Syndrome Corona Virus 2 (SARS-Cov-2) o novel coronavirus ay nagmula sa mga hayop at hindi minanipula o ginawa ng tao."

Aniya, ang WHO ay isang organisasyong nakabase sa siyensiya, at sa tingin nito, may mahigpit na koneksyon sa mga paniki sa virus, pero, kung paano ito lumipat mula sa mga paniki papunta sa mga tao ay isa pa ring misteryong nangangailangan ng pananaliksik.

"Siguradong may intermediary host - isa pang hayop, na naglipat mula sa mga paniki papunta sa mga tao," aniya pa.

Sinabi pa ng tagapagsalita na nahaharap ngayon ang WHO sa dalawang mapanganib na pandemiya: ang pandemiya ng SARS-Cov-2 at ang pandemiya ng disimpormasyon.

Dahil sa pandemiya ng disimpormasyon, naglalabasan ngayon ang mga huwad at maling teorya at pananalita mula sa ilang politiko sa daigdig kaugnay ng pinagmulan ng virus, mariin niyang sinabi.

Samantala, sinabi rin niyang inaanyayahan ng WHO ang lahat ng bansa na sumuporta sa mga pagpupunyagi nito upang hanapin ang tunay na pinanggalingan ng SARS-Cov-2.

Malawakan namang pinulaan ng mga siyentistang Australyano, ang mga dispalinghadong pananalita ng ilang politikong Amerikano na nagmula di-umano ang SARS-Cov-2 sa isang laboratoryo sa Wuhan.

Ayon sa kanila, base sa mga siyentipikong pag-aaral, ang virus ay nagmula sa mga hayop.

Ang SARS-Cov-2 ay nabibilang sa pamilya ng mga virus na nagdudulot ng komong sipon, Severe Respiratory Acute Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS); at lahat ng ito ay zoonotic: ibig sabihin, nailipat mula sa mga hayop papunta sa mga tao.

Sinabi ni Professor Nigel McMillan ng Menzies Health Institute ng Griffith University sa estado ng Queensland, Australya, ipinakikita ng lahat ng ebidensya na nagmula sa mga hayop ang SARS-Cov-2 at hindi gawa ng tao.

Kaugnay nito, ayon kay Professor Edward Holmes, "there is no evidence that SARSCoV-2, originated in a laboratory in Wuhan."

Si Holmes ay isang kilalang evolutionary virologist at miyembro ng Charles Perkins Centre and the Marie Bashir Institute for Infectious Diseases and Biosecurity sa University of Sydney.

Ipinagdiinan pa ni Holmes, na ang dami, dibersidad, at ebolusyon ng mga coronavirus sa kalikasan, ay malakas na indikasyong ang SARS-CoV-2 ay mula rito.

Pero, aniya, kailangan pa rin ng mas maraming pananaliksik upang mahanap ang eksaktong pinagmulan ng virus.

Sa kabilang dako, sinabi naman ni Professor Nigel McMillan ang mga genetic change sa virus ay matatagpuan sa dalawang iba pang coronavirus na mula sa mga paniki at mga pangolin, at ito ang mga source host.

Ayon aniya sa mga analisasyon, ang mga mutasyong makikita sa SARS-Cov-2 ay maliwanag na natural at hindi gawa ng tao.

Isa pang epidemiologist at senior lecturer sa kalusugang pampubliko sa La Trobe University, sa Melbourne ang nagsabing "there is no substance to this claim and other conspiracy theories about the origin of COVID-19.

Sinabi ni Associate Professor Hassan Vally, na kasabay ng kawalan ng ebidensya ng teorya ng ilang indibiduwal, hitik naman sa patunay na ang novel coronavirus ay mula sa kalikasan.

"We have to be careful to not aid those irresponsibly using this global crisis for political point-scoring by giving any oxygen to these and other rumors," diin ni Vally.

Ulat: Rhio Zablan

SOURCE:
http://xhnewsapi.zhongguowangshi.com/share/news?id=427099696652288&clientMarket=huawei
https://enapp.chinadaily.com.cn/a/202004/22/AP5e9fb645a3100bb08af08cc0.html

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>