|
||||||||
|
||
Ipinatalastas nitong Linggo, Abril 26, 2020 ng probinsyang Jiangxi ng Tsina ang pag-ahon mula sa karalitaan ng lahat ng mahirap na bayan nito.
Ang pagpapataas ng kita ng mga mahirap na pamilya sa pamamagitan ng pagpapasulong ng mga kaukulang industriya ang naging pangunahing tungkulin ng probinsyang Jiangxi sa usaping ito.
Sinabi ni Shi Wenbin, Puno ng Tanggapan ng Pagbibigay-tulong sa Mahihirap ng Probinsyang Jiangxi, sapul nang pasimulan ang tungkulin ng pag-ahon mula sa karalitaan sa probinsyang ito, inilaan ng buong probinsya ang 39.7 bilyong Yuan RMB bilang espesyal na pondo sa usaping ito.
Pinauunlad aniya ng probinsyang Jiangxi, pangunahin na, ang mga industriyang agrikultural upang mapatatag ang pundasyon ng usaping ito. Sa ngayon, bumaba sa 0.27% ang poverty rate sa buong probinsya mula 9.21% noong taong 2013, dagdag pa niya.
Hanggang sa ngayon, naisakatuparan na ng lahat ng mahirap na bayan sa 14 na lugar ng Tsina na kinabibilangan ng probinsyang Hebei, Shanxi, Inner Mongolia, Jilin, Heilongjiang, Henan, Hunan, Hainan, Shaanxi, Qinghai, Hubei, Jiangxi, lunsod Chongqing, at Rehiyong Awtonomo ng Tibet ng Tsina, ang pagpawi sa karalitaan.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |