Noong Abril 25, inilabas ni Richard Horton, Punong-Patnugot ng The Lancet, iginagalang na magasing medikal sa daigdig, ang artikulong pinamagatang "Bakit mali si Pangulong Trump ukol sa WHO."
Sa nasabing artikulo, detalyadong sinariwa ni Horton ang timeline ng pagharap ng World Health Organization (WHO) sa epidemiya ng COVID-19, sapul nang iulat ng Tsina, sa kauna-unahang pagkakataon, sa Tanggapan ng WHO sa Tsina ang kaso ng pneumonia na di-matukoy ang sanhi sa Wuhan noong Disyembre 31, 2019.
Tinukoy niyang sa loob ng 4 na araw ipinaalam ng WHO sa daigdig ang pag-iral ng ganitong bagong uri ng pneumonia, at idineklara ang Public Health Emergency of International Concern (PHEIC) sa loob ng 30 araw. Aniya, walang anumang batayan ang pagbatikos ni Trump sa WHO.
Ang pagbato ng walang batayang akusasyon sa WHO at pagtigil sa pagkakaloob ng kinakailangang saklolong pinansyal sa WHO sa panahon ng pandaigdigang krisis ng kalusugang pampubliko ay nakakapinsala sa reputasyon ng pamahalaan ni Trump, dagdag ni Horton.
Salin: Vera