|
||||||||
|
||
Ipinalabas nitong Miyerkules, Hunyo 10, 2020 (local time) ng Unyong Europeo (EU) ang dokumento ng pagbibigay-dagok sa mga pekeng impormasyon, kung saan, kinondena ang Tsina sa pagpapalaganap di-umano nito ng mga pekeng impormasyon upang maisulong ang sariling impluwensiya.
Agaran naman itong pinabulaanan ng tagapagsalita ng delegasyong Tsino sa EU.
Sinabi niya na palagiang tinututulan ng panig Tsino ang paglikha at pagkakalat ng mga pekeng impormasyon.
Aniya, ang panig Tsino ang tunay na biktima ng mga ganitong impormasyon.
Opsyonal na binanggit ng nasabing dokumento ng EU ang Tsina, ngunit pikit-mata ito sa mga pekeng impormasyong kumokontra sa Tsina at lumalabag sa siyensiya.
Hinihimok ng nasabing tagapagsalitang Tsino ang panig Europeo na igiit ang obdiyektibo at pantay na posisyon, at siyentipiko at rasyonal na hawakan ang mga kaukulang isyu.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |