Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Diwa at pananagutan ng mga miyembro ng CPC na ikinuwento ni Xi Jinping

(GMT+08:00) 2020-06-30 16:04:44       CRI

Miyerkules, Hulyo 1, 2020 ay ika-99 anibersayo ng pagkakatatag ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Halos sandaang taon na ang nakararaan, paano nakaaalpas ang CPC sa mahihirap na situwasyon? At paano nito pinanatili ang kasiglahan? Pakinggan natin ang orihinal na aspirasyon, misyon, diwa at pananagutan ng mga miyembro ng CPC na ikinuwento ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC.

Noong Oktubre 31, 2017, sa pamumuno ni Xi Jinping, bumisita ang mga bagong pirmihang kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC sa Shanghai at Jiaxing, Lalawigang Zhejiang. Sa pinagganapan ng unang Pambansang Kongreso ng CPC, sinariwa nila ang kasaysayan ng partido, at muling binasa ang panunumpa sa pagsapi sa partido, bagay na nagpakita ng matibay na diwang pulitikal ng bagong liderato ng Komite Sentral ng CPC.

Sa Shanghai at Jiaxing, paulit-ulit na binanggit ni Xi ang orihinal na aspirasyon. Tulad ng kanyang idiniin sa ulat ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC, ang orihinal na aspirasyon at misyon ng mga miyembro ng CPC ay pagpupunyagi para sa kaligayaan ng mga mamamayang Tsino at pag-ahon ng nasyong Tsino. Ito rin ang saligang lakas-panulak na nakakapagpasigla sa pagsulong ng mga miyembro ng CPC.

Sa kanyang paglalakbay-suri sa gawain ng pagpawi sa karalitaan sa Nayong Huamao ng Lalawigang Guizhou noong 2015, sinabi ni Xi na ang pagtasa sa mga patakarang itinakda ng Komite Sentral ng CPC ay batay sa kaligayahan ng mga mamamayan.

Sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng CPC, naglakbay-suri si Xi sa maraming napakahirap na rehiyon. Itinaguyod niya ang talakayan sa pagpawi sa karalitaan nitong nakalipas na 6 na taong singkad, at binigyang-diin ang pagpawi sa karalitaan sa kanyang talumpating pambagong taon nitong nakalipas na 6 na taong singkad.

Target ng Tsina na puksain ang kahirapan sa lahat ng populasyon ng kanayunan, batay sa umiiral na pamantayan, sa taong 2020. Ito rin ang solemnang pangako ng CPC sa mga mamamayan ng buong bansa. Kahit ang pandemiya ng COVID-19 ay malubhang nakakaapekto sa kabuhayan, palagiang ipinagdidiinan ni Xi na dapat isakatuparan ang nasabing target, ayon sa nakatakdang iskedyul.

Pagpasok ng taong 2020, sa harap ng pandemiya ng COVID-19, malinaw na iniharap ng CPC ang pagpapauna ng seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan mula't sapul.

Saad ni Xi, mga mamamayan muna at buhay muna. Ang lahat ng mga kabayaran ay maaaring isakripisyo upang mapangalagaan ang seguridad ng buhay at kalusugan ng mga mamamayan.

Tinukoy ng isang komentaryo na sa anggulo ng karapatan sa buhay at karapatang pangkaunlaran, may katuturang pandaigdig ang ideya at katalinuhan ng CPC sa pangangasiwa.

Tulad ng sabi ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping, walang sariling espesyal na kapakanan ang CPC, at ang kapakanan ng mga mamamayan ay unang priyoridad ng partido palagi.

Mapapakintal din ang determinasyon at kompiyansa ni Xi sa ganap at mahigpit na pangangasiwa sa CPC, at buong lakas na paglaban sa korupsyon. Diin niya, ang korupsyon ay pinakamalaking bantang kinakaharap ng partido. Kung igagarantiya ang malinis na administrasyon, saka lamang igagarantiya ang pangmalayuang katatagan ng partido at bansa.

Kaugnay ng kinabukasan ng bansa, diin ni Xi, dapat magpunyagi ang lahat ng mga taga-CPC, upang likhain ang mas malaking tagumpay.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>