|
||||||||
|
||
Nag-usap nitong Martes, Hulyo 14, 2020 sa telepono sina Pangulong Xi Jinping ng Tsina at Punong Ministro Prayuth Chan-ocha ng Thailand.
Tinukoy ni Xi na sa kasalukuyan, kumakalat pa rin sa buong mundo ang pandemiya ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), at kapuwa nahaharap sa presyur ang Tsina at Thailand.
Nakahanda aniya ang panig Tsino, kasama ng panig Thai, na palakasin ang pagpapalitan sa karanasan, at pangkalahatang iplano ang paglaban sa pandemiya at pag-unlad.
Saad ni Xi, igigiit ng panig Tsino ang ideya ng komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan ng sangkatauhan, at kakatigan, kasama ng komunidad ng daigdig na kinabibilangan ng panig Thai, ang mas mabisang pagpapatingkad ng World Health Organization (WHO) ng papel, pasusulungin ang pandaigdigang kooperasyon kontra pandemiya, at magkasamang gagawin ang ambag para sa usapin ng pandaigdigang kalusugang pampubliko.
Diin ni Xi, dapat palalimin ng dalawang bansa ang kooperasyon, at pasulungin ang bagong pag-unlad ng komprehensibo, estratehiko at kooperatibong partnership ng Tsina at Thailand.
Hinangaan ng panig Thai ang matatag na pamumuno at ideya ng "Mamamayan Muna" ng pamahalaang Tsino sa proseso ng pagpuksa sa pandemiya. Pinapurihan din niya ang pangako ng panig Tsino na gawing pandaigdigang produktong pampubliko ang matutuklasang bakuna.
Umaasa ang Punong Ministrong Thai na mapapalakas ang kooperasyon sa panig Tsino sa mga aspektong gaya ng pananaliksik at pagdedebelop ng mga gamot at bakuna laban sa pandemiya.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |