|
||||||||
|
||
254, 274 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) sa buong mundo ayon sa real time data ng World Health Organization (WHO), hanggang alas-10 Central European Time (CET) ng Lunes, Hulyo 27, 2020.
Umabot na sa 16,114,449 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso sa daigdig, at 646,641 ang pumanaw.
Dahil sa kalagayan ng pandemiya ng COVID-19 sa loob ng Pilipinas, sa kanyang ika-5 State of the Nation Address (SONA) kahapon, muling nanawagan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng Pilipinas sa mga mamamayan na magkoordinahan, upang magkasamang puksain ang pandemiya. Aniya, lipos siya ng kompiyansa sa pagtaas ng kakayahan ng bansa sa pagsusuri sa coronavirus. Iniharap din niya ang target na gawin ang 1.4 milyong pagsusuri sa buong bansa bago ang katapusan ng Hulyo.
Ayon sa pinakahuling datos na isinapubliko ng Ministri ng Kalusugan ng Biyetnam nitong Lunes, 11 ang bagong naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa sa araw na ito, at ang lahat sa kanila ay galing sa Da Nang sa gitna ng bansa.
Nag-tweet naman kahapon si Pangulong Joko Widodo ng Indonesia na ang puspusang paglaban sa pandemiya ay priyoridad ng kanyang pamahalaan sa kasalukuyan. Aniya, bago malawakang iprodyus ang mabisang bakuna, dapat buong lakas na magpunyagi ang pamahalaan upang harapin ang ganitong krisis.
Salin: Vera
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |