|
||||||||
|
||
Naniniwala si Dr. Wei Xiaolin ng University of Toronto sa Canada na maraming mahahalagang aral mula Tsina ang dapat matutunan ng mga Pilipino para mapagtagumpayan ang COVID-19 pandemic.
Sa kanyang pananaw limang elemento ang susi ng tagumpay ng Tsina: malakas na kakayahan ng mga ahensiya ng pampublikong kalusugan, matatag na politikal na paninindigan ng pamahalaan, bisa ng sistemang pangkalusugan sa pagtugon sa pandemiya, pagkakaisa at pagkilos ng komunidad at ang pakikipagtulungan sa mga pandaigdigang organisasyong pangkalusugan tulad ng World Health Organization at sa komunidad ng daigdig upang magpalitan ng kaalaman at karanasan.
Idinaos Lunes ng umaga, Hulyo 27, 2020 ang Philippines-China Relations During COVID-19 webinar sa pagtataguyod ng Philippine Association for Chinese Studies (PACS) at Center for Philippine Studies, Jinan University. Inanyayahan ang apat na dalubhasa upang ibahagi ang kanilang mga kaalaman hinggil sa paglaban sa COVID-19 pandemic at ang kalagayan ng pulitika at geopolitics sa gitna ng pinakamalubhang krisis pangkalusugan sa mundo. Higit 100 ang sumali sa webinar mula sa iba't ibang sektor gaya ng academe, media, negosyo, atbp.
Bukod kay Dr. Wei, nagbigay din ng presentasyon si Dr. Tan Cho Chiong ng PACS at Institute of Medicine ng Far Eastern University. Isinalaysay niya ang bayanihang isinagawa ng Filipino-Chinese community sa Pilipinas sa kasagsagan ng COVID-19 epidemic.
Ani Dr. Tan, malaki ang naiambag ng mga civil society, business sector, mga NGO, grupong simbahan, institusyong pang-edukasyon at komong mga tao na nagkapit-bisig nang kumalat ang COVID-19 sa bansa.
Nakipag-ugnayan ang Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII), pinakamalaking grupo ng mga FilChi, sa Pasuguan ng Tsina sa Pilipinas hinggil sa pagpunta sa Pilipinas ng mga doktor na Tsinong eksperto sa COVID-19. Sa panahon ng kanilang pananatili, naibahagi ng Chinese medical team ang technical advice sa mga Pilipinong doktor mula sa iba't ibang ospital sa Metro Manila.
Bukod sa mga donasyong kinabibilangan ng pera, gamot, pang-araw-araw na pangangailangan, isinagawa rin ng mga grupong FilChi ang tulong pangkabuhayan at pang-edukasyon. Pinahalagahan ng grupo ang pagtugon sa kahirapan, pagkawala ng trabaho at paggamot sa maraming mental illness na lumitaw sa maraming mga Pilipino sa panahon ng epidemic.
Bilang pagtatapos, dahil walang pinipili ang COVID-19, ibinahagi ni Dr. Tan ang bible verse na "Mahalin mo ang iyong kapwa tulad ng pagmamahal mo sa iyong sarili." Isang akmang mensahe na may katulad sa Quran at Torah bilang paalala na magdamayan habang patuloy na lumalaban ang sangkatauhan sa pandemiyang di pa tiyak ang katapusan.
Bukod kina Dr. Wei at Dr. Tan, nagbigay din ng presentasyon sina Dr. Aaron Jed Rabena ng Asia Pacific Pathways to Progress at Prof. Elmer Soriano ng Polytechnic University of the Philippines.
Ang Philippine Association for Chinese Studies (PACS) ay itinatag noong 1987. Ito ay isang non-partisan at non-profit na samahan ng mga propesyonal na may kaisipang maging bahagi ng isang mapayapang mundo ang mga Pilipinong may lubos ng pagkaunawa sa Tsina.
Sa pamamagitan ng kadalubhasaan ng mga iskolar at mga maalam sa galaw ng Tsina, hangad nitong palalimin ang kaalaman ng mga Pilipino sa Tsina at mga mamamayan nito upang isulong ang mutuwal na pag-uunawaan at kooperasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.
Ulat: Mac Ramos
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |